Wednesday, November 16, 2016

Mga Beauty Products na Swak but Sulit!

Bilang isang Budget Conscious but Kikay na Pinay, gusto natin ng Effective na Beauty product pero ayaw natin ng MAHAL! (Apir kung agree ka jan!) Alam kong tanggap natin lahat na Kailangang gastusan ang Kagandahan (Korean lang ang peg!) Ngunit, may kasabihan po tayo na Hindi kailangang mahal magpaganda. Kung afford mo ang regular derma treatments at top-of-the line na beauty products, then Go! push mo yan! Pero kung katulad ka ng Author ng blog na 'to na gustong Gumanda pero ayaw gumastos ng above 300 php para sa isang bote ng conditioner, basahin mo ang recommended Beauty products below:


Sa Hair:

1. Pantene 3-Minute Miracle Conditioner - True to its Name, i-apply for 3 minutes ang conditoner matapos mag shampoo at saka banlawan. For super effects, lalo kung Dry ang hair mo, luke warm water ang gamitin. Base sa observation ng author, Hindi kailangang araw araw ang paggamit, dahil in 3 weeks feel na feel mo na ang difference sa hair mo!

Galind dito ang larawan


2. Human Nature Conditioning Hair Mist - Yung eksenang Dadaan ka sa isang isawan bago ang ang Date! Perfect ang product na to dahil inaalis nya ang unwanted smell na kumakapit sa hair mo right after spraying. Recommended ng author na mag brush after ispray, spray all you want! iwasan lang maging wet look bago ang Date!

Galing dito ang larawan


4. Head and Shoulders Menthol Shampoo - Ang dandruff ay bawas ganda points! kaya siguraduhing dandruff free ka. With regular use, talaga namang Dandruff- Free ang hair mo.


Sa Skin:

1. Koji San Kojic Soap - Maaring may hiyangan ang lahat ng beauty products, lalo kung sa skin mo gagamitin. Pero highly recommended ng Author ang Koji San Kojic Soap, dahil exfoliator ang cleanser in one sya!

Galing dito ang larawan


2. Vaseline intensive cae Lotion, Aloe soothe - Lightweight lotion na may Super moisturizing power. Plus points nalang ang smell na fresh na fresh ang dating at ang cooling effect niya.

Galing dito ang larawan


3. Nivea Sun Moisturizing Immediate sun protection - May SPF 30 or 50 - na okay na okay na for the whole day kung hindi ka magbababad sa araw. Hindi kailangang generous ang amount na iallagay sa arms at legs, just enough para ma feel mo na protected ka from the UV rays :)

Galing dito ang larawan


4. Vaseline 100% pure petroleum Jelly - Ang petroleum jelly ay supper effective sa dry lips, dry skin at minor irritations.

5. Garnier Brightening Scrub Wash - Bet ng author ang facial scrub na to dahil mild sya at natural ang scent. Hindi kailangang araw-araw mag scrub 1-2x a week ay okay na.

Galing dito ang larawan

6. Human Nature natural body scrub - Right after gamitin ang scrub na 'to, feel mo agad ang softness ng skin! Plus points sa scent at hindi sticky gamitin.

Galing dito ang larawan


Next post na ang Swak but Sulit na make up Items :)


Monday, June 13, 2016

Ibat-ibang Natural na paraan para pumuti

Ang maitim at magaspang na balat ay maaring sanhi ng matagal na exposure sa araw, pollution at exposure sa chemical, medicinal side effects, stress, hindi magandang lifestyle choices at diet o sobra sobrang paggamit ng chemical based na cosmetic products.

Napakaraming skin whitening products at whitening procedures sa market, mahirap pumili kung anong effective para sayo at karamihan dito ay mahal at kinakailangan ng long term use. Makakatipid ka kung it-try ang home remedies na epektibong pampaputi. Hindi lang dahil mura ang ganitong paraan, safe rin dahil walang chemical na involved at maaring gawin sa bahay kahit na kailan.


1. Kalamansi - Ang Kalamansi ay may Citric acid at Ascorbic acid na source ng Vitamin C, epektibong pampaputi ang vitamin C.


- Hatiin ang ang kalamansi sa gitna
- Ikiskis sa desired skin area for 5 mins. 
- Hayaan lamang sa skin for another 5 minutes.
- Banlawan pagkatapos, mas mainam na gawin ito habang naliligo para mas convenient.

2. Fresh Milk - Ang  Gatas ay may Lactic acid, ang Lactic acid ay kilalang nakaka whiten ng skin at nakaka brighten ng complexion.

- Maglagay ng Kaunting Fresh Milk sa tasa.
- Isaw-saw ang Face towel sa Gatas.
- Ikiskis ang soaked towel sa face at neck.
- Banlawan after 20 minutes.

3. Aloe Vera - Ang Aloe vera ay may properties na nakakatulong para mag rebuild ng bagong skin tissues, mainam rin itong moisturizing agent.

- Kunin ang Jelly part sa pinitas na Aloe Vera leaves.
- Ipunas ang Gel sa skin.
- Patuyuin sa skin for 30 minutes at saka hugasan.
- Gawin ito Twice daily for 2 weeks.

4. Papaya - Ang papaya ay kilalang Natural Skin Bleaching Agent.

- Kumuha ng isang maliit na slice ng papaya at saka i-mash.
- Haluan ng 2 kutsarang lemon juice o kalamansi.
- Ipunas sa pisngi at leeg at hayaan lamang for 20 minutes.
- Banlawan ang sking gamit ang malamig na tubig.
- Gawin ito regularly at twice a week.

5. Luyang Dilaw - Ang luyang Dilaw o Turmeric ay may Antiseptic o cleaning properties na nakaka tanggal ng impurities sa skin. Isang dahilan ng Uneven skin tone.

- Kumuha ng 1 tbsp. na Turmeric powder at ihalo sa 3 tbsp. na harina.
- Lagyan kalaminsi o lemon juice.\
- Haluin hangang sa maging paste.
- Iapply sa mukha na parang facial Mask.
- Hayaan lamang ito sa mukha for 20 minutes.
- Hugasan ang mukha gamit ang lukewarm water.
- Gawin ito regularly at twice a week.

Marami ang naghahangad na Maging "The Fairest of them all"
Galing dito ang larawan.


Friday, April 8, 2016

Tips para sa may mga sun-damaged skin

Ano ba ang sun damage? Parehas ba Ito ng sunburn na nakukuha natin sa beach ? Well, Hindi. Ano ba Ang kaibahan nila?

SUN-BURN - Mahapdi, mapula at maating may blisters. Kung malaking part ng skin Ang na sun burn, maaring lagnatin, manghina at madehydrate. Pagkatapos ng pamumula ay matutuklap Ang balat o magreregenerate. Makati ito dahil inaalis ng katawan Ang damaged skin cells.
SUN-DAMAGE - long term effect ng UV rays na Hindi lamang skin deep Ang resulta. Ang premature wrinkles, skin discoloration, lines at maaring skin cancer. Ang sun damage any nagaaccumulate. Maaring nakuha mo Ito noong Hindi ka pa nag susunblock everyday.

Ang sundamage ay nagaacumulate, pero Ang good news maari itong ireverse! Ang tips sa ibaba any makakatulong para maiwasan ang further sun damage sa skin mo at ang best effect ay mareverse ang damage sa nagawa ng unprotected sun exposure mo noon!

1. Chemical exfoliation - Ang chemical exfoliation ang pinaka mabilis na method para mabawasan ang sun damaged skin. Kabilang dito ang IPL o microdermabrasion at obagi. Maaring iavail ang derma treatments kung feel mo. Pede ka run mag try ng products na nay tretenoin at retin-A, magstart sa lowest dosage kung first time mo gagamit. Mahalaga ring iwasan ang direct sun exposure habang nagttreat.

2. Skin bleaching - Ang skin bleaching ang pinaka effective method para mawala ang dark spots. ang mga skin care products na may hydroquinone Ay may bleaching properties. Pero mahalaga na Hindi lalagpas ng 4% ang content ng gagamitin mo, dahil ma side effects ang longterm use nito. Maari ring gumamit ng kojic acid products, mas accessible Ito at madaling gamitin.

3. Skin protection - Huwag mo ng hayaan mas madamage pa ang skin mo! Itaas ang SPF requirement kung summer, para sa everyday protection pumili ng may SPF 50-70 at SPF 70 or higher kapag mag bebeach, camping o kahit anong outdoor activity na nasa direct sunlight ka.

4. Magdagdag ng antioxidants sa diet - Ang antioxidant ay matatagpuan sa mga pakaing may vitamin C. Ang antioxidant ang nagoroprotekta sa collagen sa skin from free radicals na nakakacause ng wrinkles. Pinoprotektahan rin ng antioxidants ang Skin DNA para maiwasan ang skin cancer.

Kung susundin ang apat na skin tips na 'to, maiiwasan ang sun further sun damage at maasahan mo ang glowing at healthy skin kahit sa iyong 50's!

Sample ng invisible skin damage. Kung titingnan under the microscope, existing ang dark spots, lines at discoloration.

Monday, February 1, 2016

Bakit nakakaganda ang Baking Soda?

Ang Baking Soda o Sodium Bicarbonate ay kilalang ingredient sa kusina, ginagamit ito sa baking, cooking at kung minsan, bilang cleaning agent at deodorizer sa ref. Pero alam mo ba na maraming benefits ang baking soda na epektibo ding pampaganda?

Narito ang ilang paraan para magamit ang Baking Soda bilang Beauty-fying material.

how-to-fight-colds-and-the-flu-with-baking-soda1
Galing dito ang larawan

1. Para sa Pimples at Oily Skin:

Ang Baking Soda ay may Anti-septic at Anti-inflammatory properties na mabisa upang matuyo agad ang ang namamagang tighiyawat. Bukod pa rito may pH balancing agent ang Baking Soda na iniiwasan ang masyadong pag-release ng Oil sa ating skin.

Kumuha ng 1 tbsp. na Baking soda at ihalo ito sa ilang patak na tubig para makagawa ng paste, gawing facial scrub ang paste. I-massage ito sa mukha ng 2 minuto at saka maghilamos gamit ang malamig na tubig. Gawin ito 1 beses isang araw sa loob ng 4 na araw.

2. Para sa Maputing mga ngipin:

Kilala ang Baking Soda sa kaniyang abrasive properties na nakakapag paputi ng madidilaw na ngipin. Ihalo lamang sa toothbrush na may toothpaste bago gamitin. Mag toothbrush ng at least 2 minutes, gawin ito araw araw for 3 days. Hindi dapat masyadong madalas ang paggawa nito dahil maaring masira ang natural protective enamel ng ngipin.

3. Para pumuti at pumantay ang kulay ng balat:

Ang Baking soda ay may properties na nakaka tanggal ng dead skin cells at nakakapag balanse ng pH levels ng balat. Ang balanseng pH levels ay nakakatulong para magkaroon ng bright at radiant skin.

Kumuha ng isang kutsarang baking soda at ihalo sa ilang patak ng lemon at olive oil. Haluin at gawin itong paste. I-apply sa mukha at gawing facial mask o kahit saang parte ng katawan na kailangan mong paputiin, hayaang nasa face for 5 minutes at maghilamos gamit ang malamig na tubig. Gawin ito 1 or 2 beses kada linggo.

4. Para sa Oily at walang buhay na buhok:

Ang madalas na pagsha-shampoo ay nakaka sira ng ating buhok dahil sa ilang chemicals na meroon ito at ang foaming effect na taglay nila. Kaya naman lagi nating inaadvise ang conditioners at leave-ons. Pero kung nabobored ka na sa pagka limp at dull ng buhok mo, gawin ang Baking Soda shampoo minus the fragrance syempre!

Kumuha ng 1 kutsara na Baking Soda at ihalo sa 3 kutsarang tubig, haluan ng ilang patak na coconut oil at saka iapply sa wet hair. Hayaang lamang for 5 minutes at saka banlawan ang buhok gamit ang malamig na tubig, ang malamig na tubig ang magseseal ng moisture ng buhok. Ang ganitong sukat ay sakto lamang sa shoulder length hair. Gawin ito 1 beses sa isang linggo lamang.


Bagamat napakaganda ng effects ng Baking Soda sa ating hair, skin at ngipin, dapat maghinay hinay sa paggamit nito dahil sa active ingredients na maaring maka sira sa natural protection ng ating katawan. Huwag araw arawin at masyadong damihan kung nais mong subukan.


Sunday, November 15, 2015

Mga "Beauty Areas" na maaring hindi mo nabibigyang pansin:

Sa pagpapaganda, hindi lamang dapat naka tutok tayo sa ating mukha. Maaring mapabayaan rin natin ang ilang "Beauty Areas" na mahalaga sa ating overall beauty and health. Narito ang mga common "Beauty Areas" na napapanahon na para bigyan ng tamang TLC:

1. Ang iyong likod - Ang ating likod ay prone rin sa pimples or Bacne. Ang stress, oil, at dumi ang maaring mga sanhi ng bacne. Kaya kailangang alagaan mo rin ang iyong likod tulod ng pagaalaga mo sa iyong mukha. Narito ang ilang tips:


  • Kapag naliligo, hugasan ang iyong likod matapos mag sabon at shampoo. Pagkatapos magshampoo at conditioner, itaas ang iyong buhok at saka maglaan ng oras para hugasan at iscrub gently ang iyong likod. Kung maari, gumamit ng acne-clearing wash para maalis ang excess oil sa iyong likod.
  • Marami sa atin na pagkatapos maligo, ay hinahayaang ang basang buhok na nakadikit sa likod. Kung gumagamit ka ng conditioner o leave-ons maaring maka irritate ito sa ating skin sa likod. Mag towel dry kaagad ng buhok.
  • Mahalaga ang treatment. Kung meroong bumps o pimples sa likod, gumamit ng nightly treatment na may salicylic acid para matuyo kaagad ang backne. Ang salicylic acid ay maganda ring pang-exfoliate ng skin.
Galing sa www.letsridof.com ang larawan


2. Ang iyong Eye area - Kung mahilig ka sa eye make up tulad ng eyeliners at eye shadows, mas lalo na dapat paglaanan ng oras ang pag aalaga sa eye area. Bukod sa manipis at sensitive ang skin lalo sa under eye area, prone ito sa discoloration at iba't ibang skin irritations. Narito ang ilang tips:

  • Mag scrub sa eye arae 2x a week. Gumamit ng gentle facial scrub o soft body sponge.  I-massage paikot habang inaaply. Kung available ang warm water, warm water ang gamitin. Ang ganitong paraan ay kailangan para masigurado na hindi madaling iitim ang eye area dahil sa make up na inaaply mo. Nagiiwan kasi ng residue ang eye make up's at ito ay nakaka-cause ng darkening. Kaya mahalaga na mag cleanse ng maayos bago matulog.
  • Mahalaga ang eye cream. Ang skin sa eye area ay mas manipis at prone sa dryness at saggy-ness. Samakatuwid, para maiwasan ang premature aging sa eye area, maginvest sa eye cream.
  • Kailangan mo ng swak na eye glasses! Kung genuine glass ang eye glasses mo, maaring mabigat ito at maging sanhi ng permanent marks sa eye area. Kung maari, magpalit ng mas modern - made of plastic eye glasses, kung hindi possible siguraduhing mag allot ng time para tanggalin at i-massage ang eye area every now and then.
3. Ang iyong lips - Ang lips ay mahalagang "Beauty area" dahil manipis ang skin dito at prone rin sa aging. Laging tandaan na ang supple at smooth skin ay sign of youth. Narito ang ilang tips para mapanatili ang Smooth & Supple lips:

  • Lip Balm. Ang lip balm ay dapat inaaply multiple times a day. Madali kasing mag-dry ang lips dahil sa kumakain tayo at umiinom tayo multiple times a day. Ang liquid residues ay naka dry ng lips. Pumili ng may SPF na lip balm.
  • Proper vitamins & minerals. Ang dry at cracked lips ay maaring sanhi ng pagkukulang sa vitamin E at D. Siguraduhing kumakain ng tama para hindi maging vitamin deficient.
Galing sa: https://s-media-cache-ak0.pinimg.com  ang larawan


4. Ang iyong kamay - Ang iyong kamay ang ginagamit mo para magtrabaho. Kailangan rin nito ng TLC.

  • Mahalaga ang paghuhugas ng kamay for health purposes, per nakaka cause ito ng dry skin kaya siguraduhing moisturized ang iyong kamay to keep them soft at smooth.
  • Manicure. Kung napapansin mo na nagcracrack na ang cuticles mo at mag hangnails na, baka kailangan mo na ng manicure.
Galing sa www.justin5mins.com ang larawan

Tuesday, July 21, 2015

Mga Tips para sa Makinis at Glowing na skin!


Galing dito ang larawan


1. Siguraduhing Mag Sunscreen kung lalabas ng bahay kahit makulimlim.
Alam naming narinig mo na ito ng isang milyong beses, ngunit ang sunscreen ay ang pinakamadaling paraan para sa glowing skin. 90% ng cases ng wrinkles ay sun exposure ang sanhi, kaya para mas maalagaan ang skin ugaliin ang paglalagay ng sun screen. Alalahanin, hindi porket makulimlim o maulan, maaring palipasin ang paggamit ng suncreen, mas madaling iwasan ang skin damage kesa ayusin. Maghanap ng produktong may UVA (nakaka cause ng premature aging) at UVB (nakakacause ng skin cancer) protection. Inirerekomenda ng author ang Koji San Sunblock (132.00 PHP sa mga local drugstores)

2. Linisin ang make up brushes at sponges.
Dalas dalasan mo ang paglinis ng make up tools mo, isa sa pangunahing sanhi ng breakouts ang maduduming brushes at sponges na ginagamit sa iyong face. Mainam na umiwas sa bacteria na maaring magstay sa make-up tools mo. Gumamit ng mild soap o shampoo para linisin ito at i-air dry.

3. Ugaliing kumain ng Mixed nuts.
Ang Mixed nuts ay may Selenium, na nagdaragdag ng skin elasticity. Ibig sabihin less prone ka sa aging at dry skin. Ang nuts ay meron ring omega-3 fatty acids na nagpapakalma ng skin kung meroong breakouts. Ang high quality oils at fatty acids na nakukuha sa nuts ay pinapabilis ang skin repair at rejuvenation.

4. Umpisahang gumamit ng Skin Serum.
Ang Skin serum ay highly concentrated moisturizers. Kadalasan 3-in-1 mo ito mabibili, ibig sabihin pwede sa skin, nails at hair at meroong ibat-ibang solution, tulad ng avocado-based, lemon, o iba pang natural ingredients. Gamitin itong substitute sa lotion tuwing gabi. (nirerekomenda ng author ang Pure Beauty Serum na mabibili sa Drug stores)

5. Unti unting alisin ang Dairy sa iyong diet.
Magandang source ng calcium ang dairy ngunit madalas ito ang cause ng breakouts at skin irritation. Ang cow hormones kasi na natatagpuan sa gatas ng baka ay nakakastimulate ng oil glands. Kung maari, maghanap ng ibang source of calcium.

6. Matulog ng Maaga.
Dahil ang stress ay nakaka tanda, nakaka dry ng skin at nakaka cause ng backne at acne. Kailangan ng proper rest at enough sleep para makabawi ang ating katawan sa araw araw na gawain. Kung hindi maiwasan ang puyat, mag take ng soy milk. Mainam itong pang hydrate ng skin.

7. Moisturize.
sa panahon ngayon, neccesity talaga ang Moisturizer. Ang pollution, stress, air conditioning, init at biglang ulan, ay nakaka dry ng skin. Ang dry skin ang dahilan ng premature aging, or worst, breakouts. Nirerekomenda ng author ang GNC Aloe Vera moisturizer, 180.00 PHP sa GNC outlets.

8. Gumamit ng Exfoliant o facial scrub at least once a week.
Maaring hindi mo napapansin, ngunit maganda ang effect ng facial scrub at exfoliant sa skin. Iniimprove nito ang blood circulation para sa glowing effect at nililinis nito ang ating skin, free from blackheads at whiteheads. Once a week lamang para hindi magdry o mairitate ang skin.

9. Mag steam.
Isa sa sikreto ng mga kababaihang meroong flawless skin ang steam bath. Dinedetoxify kasi nito ang skin at nalilinis ng husto. Kabilang pa rito ang rejuvinating at fresh na pariramdam pagkatapos ng steam bath. Maligo ng cold water para sa max effect!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...